movie lines, movies

She’s Dating The Gangster: Most Memorable Movie Lines

Rating: ★★★★★
Genre: Romance, Comedy, Drama 

A new era of movie genre is starting to be popular now a days where Wattpad and written stories of Filipino aspiring writers are having their works reach the big screen. Yes, I’ve already seen one of them and they will definitely not stop there. 

I’ve always been a fan of Cathy Garcia-Molina’s work. She never fails to touch the lives and the hearts of people who are in love, falling in love and broken. She always manages to impress me and never get tired of watching her works over and over again. One of my faves are: One More Chance, A Very Special Love, You Changed My Life, It Takes A Man And A Woman, My Amnesia Girl,  and here she goes again with another masterpiece. Reunited with the new teen love team Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, a.k.a as KathNiel.


Molina’s work never fails to touch not only the young gen but those of late ages as well. The movie really was beyond what you can expect because of three main reasons:

  1. It was really a good movie since Going back to the oldies is never fails to fascinate me.
  2. I cried a couple of times during the movie and not because I can relate, but the words and the acting were really amazing and lastly;
  3. It’s a CATHY GARCIA-MOLINA movie dudes!!!
I’m not an avid fan or a member of KathNiel but I can def I admire these two stars. And I must say they will def make you feel younger than ever. The soundtracks as well will definitely make you feel as if your in the 90’s as well. I can’t deny that Rom-Com are really my fave genre when it comes to movies and this made me cry as well a couple of times. Yes, I did. It was a funny experience as well where the fans of the said love team just kept screaming every time Daniel would come out and every time there are sweet scenes. But over all the movie was great and the twist that Molina added just reminded me of Blue Moon.

I’ve seen this movie last July, and last night I suddenly can’t stop singing, “Till I Met You“, that I wanted to watch the movie again. So here are some of the most memorable lines that really made the movie even better. I would just like to warn you that it may come as a spoiler to those who haven’t seen the movie yet. 


Nung bata pa ako, akala ko alam ko na ang lahat. I always thought I knew what love was. But when I grew older, I realized na ang dami ko pa palang hindi alam. I thought love was the most powerful thing in the world. Hindi pala. If there is a force greater than love, it is time. Timing. It’s such a b*****. Lucky are those who find true love at the right time. – Older Kenji

Kenneth: Sandali!

Kelai: Oh, miss mo na ako agad?

Kelai: Ano ba namang titig yan! Pa-fall!


Alam mo bang si Kenji De Los Reyes ang pinaka-notorious na gangster sa campus nila noon? At si Athena Dizon lang ang kaisa-isang babae na nakapagpatino sa kanya. Dahil siya ang great love niya! – Kelai


Sara’s Boyfriend: Don’t mess with a broken heart?

Athena: Kunwari oo, ang punto kahit gwapo ka dapat he knows how to treat a girl right. Hindi katulad niyan. Bastos!
Sara’s Boyfriend: Hep hep hep. Matipino nga itong si Kenji eh. Tinuring niyang reyna itong si Athena. Oh! Kapangalan mo pala. Mahal na mahal niya yun. Kahit break na sila, hindi pa rin siya tumitingin sa iba. Kaya nga mahaba ang buhok niya e. Kasi hindi daw siya magpapagupit, hangga’t hindi daw sila nagkakabalikan ni Athena. Kaya baka nga tumatambay yan dito e, hinihintay niya si Athena. Pero hindi kaw yun ah. 

Athena: Hindi kita sinagot dahil takot ako sayo. 

Kenji: E bakit ka um-oo.
Athena: Kasi ayaw kong mamatay ka.

May mga tao palang ganun magmahal. Over! Magpapakamatay talaga?! Ang tanga diba? Tapos naisip ko. Ganoon mo siguro talaga kamahal yung Abi na yun. Sabi ko, “Sayang ‘to. Yung mga ganitong tao dapat mabuhay pa. Para yung pagmamahal na kaya mong ibigay, mapakita mo pa sa taong mahal mo.” – Athena


Athena: Ang swerte kaya niya. 

Kenji: Dahil may isang gago na handang magpakamatay sa kanya?
Athena: Kasi may nagmamahal sa kanya. Period.
Kenji: So, kung ikaw siya, babalikan mo ako?
Athena: Oo naman, pero hindi siya ako. 
Kenji: Wala na. Ah, wala na, sinabi mo na. Wala ng bawian. Atleast, may isang tao na ang tigning sa akin ay kamahal mahal naman pala ako.

Athena: Masakit ba talaga?

Kenji: Hindi ba’t dapat ako ang nagtatanong sayo niyan?
Athena: Hindi yan, yung love. Kailangan ba talaga kapag nagmamahal ka masasaktan ka rin?
Kenji: Subukan mo para malaman mo.
Athena: Hindi kakayanin nito.
Kenji: Bakit?
Athena: Mahina ‘to e.
Kenji: Practice lang yan. Pag praktisan mo ako.

Yan malinaw? Para medyo bagay tayo. – Kenji

Walang pwedeng manakit sa girlfriend ko. – Kenji


Athena: Go Sexy! Go Sexy! Go Sexy Sexy Love!! 

Akala ko ba kunwari lang ang lahat? – Sara


Athena: Wala naman kasing ginagawang masama yung tao. 
Kenji: Kung hindi na ako makikipag-away, hindi mo na kakausapin yung lalaking yun?
Athena: Ano bang problema doon, kinakausap ko lang naman siya.
Kenji: Ayaw kong nagseselos.
Athena: Pinapasakit mo naman yung dibdib ko e. 

Athena: Kenji, ayaw ko na. Itigil na natin ito.

Kenji: Bakit nga?
Athena: Kenji naman e. Nasabi ko na diba? Ayaw ko na!
Kenji: Laro. 
Athena: Hindi ako naglalaro di ba?
Kenji: Hindi. 
Athena: Kenji naman e. 
Kenji: Talunin mo muna ako. 
Athena: Ayan ka na naman e. Yung gusto mo ang laging nasusunod. Ayaw ko, hindi mo ba naiintindihan yun? Hindi ko na kaya. Ikamamatay ko ‘pag lagi kitang kasama. Ayaw na kita kasama. Hindi ba pwedeng ganun lang kadali yun? Ano pa bang rason ang gusto mo? Ano gusto mo talunin kita dito?! Ayan! Pakakawalan mo na ba ako? Yan ba ang gusto mo? Yan ba ang gusto mo?! Masaya ka na? 
Kenji: Wala na talagang gustong makasama ako. 

Athena: Kenji! Kenji ano ba? Hindi yun. Hindi ganun.

Kenji: E ano?
Athena: Kenji, hindi mo ba talaga naiintindihan?
Kenji: Ang ano?
Athena: Yung totoo.
Kenji: Anong totoo?
Athena: Gusto ko ng itigil ito kasi nagiging totoo na!!!
Kenji: Totoong ano??!
Athena: Totoong nagugustuhan na kita!!!
Kenji: Ako ba hindi?  Tama ka, itigil na natin itong deal na ito. Maging tayo na. Walang laro. Walang kunyarian. Yung totoo na. 
Athena: Masasaktan lang tayo.
Kenji: Bakit ba kailangan mong pangunahan ang lahat?
Athena: Kasi alam ko.

Pwede bang kahit isang beses lang. Huwag kang gumawa ng kung ano-anong rason. Tumaya ka lang. Kung masasaktan tayo, e di masaktan. Parte yun ng pagmamahal diba? Kahit isang beses lang sa buhay mo, ayaw mo bang maging matapang? – Kenji


Athena: Natatakot ako.

Kenji: Bakit?
Athena: Kasi gusto ko. Gustong-gustong gusto ko. 

Unting-unti na ako naniniwala na mali yung mga alam ko. And it makes me hate myself more, dahil nagalit ako sa Daddy ko na hindi ko inalam yung totoo. Ang sama ko, dahil ang huling sinabi ko sa kanya, sana siya na lang yung nawala. Sana siya yung namatay! I wished my father dead. And now all I want is to see him alive. And tell him how sorry I am. – Kenneth


Bagay na bagay na tayo. – Kenji


Ang gwapo mo kapag nakangiti ka. Oh, oh, hindi tinatago ang mga ganyan kagagandang ngiti. – Kelai


Athena: I love you, Kenji
Kenji: I can’t breathe.
Athena: Ang sabi ko,  “I love you.”
Kenji: ‘Pag sinabi kong  “ I can’t breathe.”. Ibig sabihin, “I love you too.”

Athena: Parang sasabog ang dibdib ko. Thank you, Kenji. Sobra sobrang pinasaya mo ako. Hindi ko ito makakalimutan habang buhay. Kahit mamatay na ako. 

Kenji: Bawal ka pang mamatay.  Babalik pa tayo dito. Kasi dito kita papakasalan. Witness natin ang Mayon. Pangako mo sa akin yan, na babalik pa tayo dito. Okay
Athena: Pipilitin ko ‘wag mamatay ng maaga.
Kenji: Athena, I can’t breathe.
Athena: I love you too.

Nakalimutan mo na ba na mahina ang puso mo? Kung ano man na mayroon kayo ng Kenji na yan, itigil mo yan. Yang nararamdaman mo na yan, yan ang papatay sayo.  Mr. Dizon


Alam ko po na takot kayong mawala ako. Takot din po ako. Pero alam niyo ba? Kung may natutunan man ako, yung takot ko ang papatay sa akin. Hindi yung pagmamahal. Dahil kung may napatunayan man ako, yung pagmamahal niyo, yun ang pinakamalaking rason kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon. At ngayon, may isang taong dadagdag sa pagmamahal na yun. May bagong rason kung bakit gusto ko pang lumaban. Kung bakit ayaw pa nito sumuko. Mahal ako ni Kenji, Dad. Gaya ng pagmamahal niyo sa akin. Pramis pa, hindi ko ikamamatay ‘to.  – Athena


Lucas: She never told him. She didn’t want him to know. 

Athena: Kaya siya nakipag-break sa kanya noon.
Lucas: Takot na takot siya na baka hindi kayanin ni Kenji ‘pag nawala siya. Gusto niya sana na makapag- Move on na si Kenji. Bago pa siya mawala. She loved him so much. Tiis niya ang sakit na makita kayong magkasama. Sabi niya, “Atleast, magiging masaya na ulit si Kenji“. 

I know I’ve hurt him before. But I loved him. I still love him. – Abegail


Kenji: Athena, Ayaw ko. Ayaw ko. Ikaw ang mahal ko. 

Athena: Hinihintay ka na niya. 
Kenji: Hindi mo na ba ako mahal? 
Athena:  Sobrang mahal! Mahal na mahal na mahal. Pero mas kailangan ka niya. 
Kenji: Ang labo. Ang labo. Ipangako mo sa akin
Athena: To wish for an us, is to wish an end for Abegail.
Kenji: I love you.
Athena: I love you, too. Thank you for the two weeks, three days, ten hours, fifty seven minutes of the love that I will cherish for the rest of my life. 

Kenneth my son, I’m sorry. I never realized how much I’m failing to be a good father to you until tonight. I’m sorry if you feel that I don’t love you and I didn’t love your mom enough. Please believe me when I say that I lov you and I love your mom with all the love that I can give. I decided to cancel my trip to Hong Kong and go to Legazpi instead. You asked me kung sino yung isang who the other Athena was. She is the reason why I’m going back to Legazpi. Not to be with her but to finally say goodbye. I will be burying everything that is left of her. This is my way of apologizing to you and your mom for all the years that I never loved you fully. I am sorry son. I am so sorry for hurting you. I want to give you this photo Kenneth. This photo was taken during the moment I first knew what real love was. The day you came. Nabigyan ako ng bagong rason para mabuhay. You are the greatest love of my life son. I love you more than anyone else. I love you more than my life. – Older Kenji


You waited long enough. It ends today. – Kenneth


Kenji: Hi.

Athena: Gangster.

Kahit saan ako pumunta lagi nila akong tinatanong kung ano daw ang sekreto ko at kinaya kong mabuhay ng ganito katagal. Ang sabi ko, sa lahat ng operasyon na pinagdaanan ko, hindi ako nawalan ng pag-asa na balang araw makikita ulit kita. At masasabi ko sayo, binuhay ako ng pagmamahal mo. Siguro din, kaya ako nabuhay ng ganito katagal kasi binigyan pa ako ng Diyos ng oras para sa araw na ito. Para masabi ko sayo na, “Kenji, I’m sorry. Sorry.” – Older Athena


When you were gone, you left a big void in my heart. But I lived. – Older Kenji


I know you’re okay. To see you grow from my gangster, to a man and to a father. It was all worth it. – Older Athena


All the years of waiting. It’s all worth it. Just to see you today. – Older Kenji


Athena, thank you for everything. Thank you for the love that gave us this life. – Older Kenji


Kelai: Ahhhh, ang heart heart ko! Ang boyfriend ko po, nawawala po. 

Reporter: Miss, sino ba ang boyfriend mo?
Kelai: Si Kenneth De Los Reyes po.
Sir: Sandali, ano po ang nangyayari dito?
Kelai: Sir, sir, yung boyfriend ko po nawawala po siya, Sir.
Sir: Ano ba itsura ng boyfriend mo?
Kelai: Yung matangkad, Sir. Matangkad, tapos medyo moreno, gwapo. Yung mata niya mapungay. Tapos magaling po siya sumayaw. Tapos kapag ngumiti siya, wow! Ay grabe talaga maiinlove ka talaga sa kanya. Hai, nakakamatay naman talaga. Tapos kapag sumayaw siya, sexy. Tapos, ano pa ba? Moreno, tapos yung mata niya mapungay, Tapos, sobrang
Kenneth: Talaga?
Kelai: Uhhh?
Kenneth: Ooops! Wala ng bawian. 

Kelai, pwede bang totoohanin natin yung mga sinabi mo kanina? Pwede bang simulan natin yung one great love story natin?- Kenneth

 If you’ve seen the movie, you might agree with me. As for those who haven’t, you better watch it and tell me what you think of it as well. I bet you’ll love it too.

Hope everyone of us will be able to find that “one great love for our one great love story!”
Previous Post Next Post

You Might Also Like

No Comments

Leave a Reply

Scroll Up